kawalan
My deliberate attempt to write a Tagalog poem.
__________________________________________________
Ang mawalay sa pag-ibig na inakalang walang hanggan,
ay punlo sa aking naghihinagpis na puso
ang daloy ng bawat alaala ay luha sa aking pagal na mata
at ang bawat salita ay mapang-aping tanikala
ako ay bihag ng tadhanang mapaglaro
at sa kadiliman ng parang tinatanglaw ko ang iyong anyo
dadalhin ng banayad na hangin ang aking musika
tungo sa uniberso ng pag-ibig na nakatakdang sa atin
buhanging taglay ng rumaragasang alon ang ating mga pangarap
at sa kalaliman ng karagatan ito’y maglalakbay
iindayog, mangangahas at magpapalaya sa simbuyo ng puso
mabibigo, lalaban, langit ang kasukdulan.
